-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 26,458 karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 1,656 na gumaling at 265 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.5% (102,017) ang aktibong kaso, 94.8% (2,782,723) na ang gumaling, at 1.78% (52,135) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 6, 2022 habang mayroong anim laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng anim na laboratoryo na ito ay humigit kumulang 3.6% sa lahat ng samples na naitest at 5.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Setyembre 11 noong nakaraang taon nang maitala ang record-high na 26,303 infections.