-- Advertisements --

Todo pagmamalaki ngayon si testing czar Vince Dizon na nitong linggo lamang sa loob ng apat na araw ang record breaking na nakapagbakuna ang bansa sa dami na aabot sa isang milyon na mamamayan.

Ayon kay Dizon nitong Hunyo 28 hanggang Hulyo 1 ay umabot sa isang million ang nabakunahan sa bansa.

ito ay sa kabila na napakahirap daw makakuha ng suplay sa ibang mga bansa.

Sa ngayon 11 milyon na raw ang mga napasailalim sa bakuna sa Pilipinas.

Kaugnay nito, inaasahan naman ng IATF na aabot sa 10 milyon ang darating pa na bakuna sa buwang ito ng Hulyo.

Noong nakalipas kasi na buwan ng Hunyo nasa siyam na milyon ang dumating na mga vaccines.