-- Advertisements --

Nabigyan ng clearance ang reclamation projects sa ilalim ng Pasay Eco-City Coastal Development para ipagpatuloy ito matapos na magpasya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-exempt ito mula sa suspension order sa reclamation projects sa bansa.

Ginawa ang naturang desisyon ng Pangulo matapos na makakuha ng environmental compliance certificate at area clearance mula sa DENR at PH Reclamation Authority ang coastal development projects.

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Pasay, ang mga proyektong ito ay compliant o tumalima sa iba pang issuances mula sa PRA at lokal na pamahalaan.

Nasa dalawa sa ginagawang reclamation projects ay sa Manila Bay na tinatawag na Pasay 265 at Pasay 360.

Inaasahan ng City Government ng Pasay na trilyun-trilyong peso ang magiging revenue mula sa Eco-City development plan.

Matatandaan na noong Agosto 23, ipinag-utos ni PBBM ang pagsuspendi sa 22 reclamation projects sa Manila Bay para suriin kung compliant ang mga ito sa mga panuntunan at ang epekto ng mga ito sa komunidad at sa kapaligiran.

Top