-- Advertisements --
Ilulunsad na ng Department of Education (DepEd) ang recalibrated K-10 curriculum sa Agosto 10.
Ayon kay DepEd Undersecretary at Spokesperson Michael Poa, pinaplantsa ang venue sa paglulunsad ng curriculum ngayong linggo.
Tatawagin aniya itong MATATAG K to 10 curriculum.
Una ng sinabi ni Poa na ang recalibrated K-10 curriculum ay parte ng kampaniya ng Deped para sa learning recovery.
Nakatakda namang ipatupad ang nirepasong K-10 curriculum para sa susunod na school year 2024-2025 upang maihanda pa ang kakailanganing learning resources bago ang actual rollout ng programa.
Inihayag din ng DepEd na nagpapatuloy pa rin ang pag-aaral sa Senior high school sa bansa.