Patuloy ang pag-angat ng real estate and property sector sa bansa.
Ito ay batay sa obserbasyon ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual.
Ayon sa kalihim, ang naturang sektor ay nakapag-contribute ng 8.2% sa kabuuang Gross Domestic Product(GDP) ng bansa sa ikalawang quarter ng kasalukuyang taon.
katumbas ito ng 4.88million o 10% ng kabuuang total employment sa Pilipinas.
Nananatili rin aniya ang mass housing sa taunang Investment Priorities Plan of the Board of Investments (BOI) dito sa bansa.
Sa katunayan, mula 20023 hanggang 2022, nakapagrehistro ang BOI ng hanggang 806,577 units ng mga low-cost housing.
Ayon sa kalihim, ang construction sector(housing at iba pang building) ay isa sa pinaka-pduktibong sektor sa bansa.
Nagagawa aniyang makapag-generate ng 4,000 na trabaho ang naturang sektor, sa bawat P1billion na investment.