-- Advertisements --
image 101

Umaasa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig na makakatulong sa mga motorista kanilang inilabas na ilang alternatibong ruta para sa mga motorista partikular na sa public utility vehicles (PUVs).

Ito ay kaugnay sa napipintong pagsasara sa bahagi ng Meralco Avenue mula sa harap ng Estancia Mall hanggang sa Shaw Boulevard, simula alas-9 ng gabi ng October 3.

Ayon sa Pasig LGU, para sa mga jeepney, daraan sila sa Captain Henry Javier St. patungong Danny Floro St at balikan.

Sa mga modernized jeepney at UV Express, dadaan ng Julia Vargas Ave. patungong San Miguel Avenue at vice versa.

Maaari ring dumaan ang mga UV Express sa Anda Road patungong Camino Verde, habang bukas naman ang lahat ng nabanggit na ruta para sa mga pribadong sasakyan.

Tatagal hanggang 2028 ang pagsasara ng Meralco Ave., upang bigyang daan ang konstruksyon ng Shaw Boulevard Station ng Metro Manila Subway Project ng Department of Transportation (DOtr).