Natapos na ang dalawang araw na 2025 NBA draft kung saan panibagong 60 rookie player ang maidadagdag sa liga.
Kahapon (June 26) nang natapos ang unang round kung saan napunta sa Dallas Mavericks ang unang pick. Pinili ng koponan ang 18-anyos na all-around player na si Cooper Flagg bilang best pick o No. 1 overall pick.
Ngayong araw (June 27) ay napunta sa kamay ng Minnesota Timberwolves ang No. 1 pick o 31st overall na si Rasheer Fleming.
Si Fleming ay naglalaro bilang forward sa taas na 6’8″ at may wingspan na 7-foot-5.
Napili naman ng Boston Celtics si Noah Penda bilang 2nd round pick o 32nd overall. Si Penda ay isang basketball player mula sa France na may taas na 6’7″ at wingspan na 6-foot-12.
Inaasahang magiging bahagi na ng susunod na season ang 60 rookie kasunod ng kanilang pagkaka-draft ngayong postseason. Sa kabuuan ng postseason, dadaan ang mga ito sa masinsinang training kasama ang iba pang NBA player.
Maliban sa training, makikibahagi rin ang mga ito sa Summer League sa iba’t-ibang bahagi ng US hanggang sa 2025 Preseason games na nakatakda sa unang bahagi ng Oktubre, bago tuluyang magsimula ang 2025-2026 season.
Nakatakdang magsimula ang susunod na regular season sa Oktubre 22, oras sa Pilipinas.
Sa 2025 Draft, umabot sa 106 player ang opisyal na naghain ng entry para maging bahagi ng selection process.
Apatnapu’t-anim (46) sa kanila ang hindi napili sa selection process at bigong maging bahagi ng National Basketball Association.