-- Advertisements --

Posibleng maibenta sa halagang $21 milyon ang pink diamond na tinaguriang “worlds’ purest”.

Ayon sa Sotheby auction sa Hong Kong na magsisimula itong ibenta sa buwan ng Oktubre.

Isang 11.5 carats cushion-shape ang diyamenta na tinawag na “Williamson Pink Star”.

Ang isang “CTF Pink Star” na isang 59.60 carat-oval mixed cut diamon ay naibenta sa auction noong 2017 sa halagang $71.2 milyon.

Sinabi ni Kristian Spofforth, ang namumuno ng Sotheby jewelry, na lubhang kakaiba ang mga pink diamonds.

Bago ang auction ay lilibot muna ito sa Singapore, Dubai at Taipei.