-- Advertisements --

Inilampaso ng Toronto Raptors ang Denver Nuggets sa score na 135-111.

Umeksena si Pascal Siakam sa ika-18 panalo ng Raptors nang magbuslo ng 27 puntos.

Natuldukan na rin ng Raptors ang kamalasan na siyam na sunod-sunod na pagkatalo.

Ang Nuggets naman ay merong record ngayon na 26 wins at 18 losses.

Sumandal ang Toronto sa 24-point lead sa first half kung saan naipasok ang 50% (24 of 48) sa 3-pointers para matikman ang unang panalo na huling nangyari noon pang Feb. 26.

-- Advertisement --

Tumulong din naman sa diskarte sina OG Anunoby na may 23 points, Norman Powell na nagdagdag ng 22 at si Kyle Lowry na nagtapos sa eight points.

Namemeligro si Lowry na baka ito na rin ang final game niya sa Toronto dahil sa bukas na ang NBA trade deadline.