NEW YORK — Kumamada ng 29 points at 11 assists si Fred VanVleet, nagtapos na may 26 points si Kyle Lowry at nakabawi ang Toronto Raptors sa kanilang pinakamalalang offensive performance ngayong season para talunin ang Brooklyn Nets, 121-102 nitong araw.

Tumipa si Serge Ibaka ng 21 points at 12 rebounds para sa Raptors.

Samantala, may bitit naman na 23 points si Spencer Dinwiddie para sa Nets, na mayroon nang limang magkakasunod na talo.

Sa second quarter ng laro ay nagawa pang makapagtala ng 16-point lead ng Nets pero lahat ito ay nasayang pagdating ng halftime.

Nakabalik na sa paglalaro si Caris LeVert matapos na magpahinga kasunod ng kanyang thumb surgery at nakapagposte ng 13 points sa loob ng 16 minutong paglalaro.