Sumandal ang New York Knicks sa rally upang masilat ang Miami heat, 124-121.
Nagawang matuldukan ng nangungulelat na Knicks ang five-game losing streak para sa kanilang record na 11-29.
Nanguna sina Julius Randle na may 26 points habang si RJ Barrett naman ay nagdagdag ng 23.
Habang sinayang naman ng Heat (21-12) ang kanilang kalamangan sa unang bahagi ng laro.
Si Jimmy Butler ang bumida sa Miami na may 25 points at 10 rebounds.
Sa ibang game, na-upset naman ng San Antonio Spurs (17-21) ang Toronto Raptors (25-14) ng isang puntos lamang 105-104.
Umiskor si DeMar DeRozan ng 25 points at si Rudy Gay naman ay may 15 upang habulin ang 18-point deficit.
Sa kabilang dako dumiskarte si Nikola Jokic ng 20 points at 15 rebounds para pahiyain ng Denver Nuggets (27-12) ang Los Angeles Clippers (27-13), 114-104.