-- Advertisements --

Nasilat ng Toronto Raptors ang super team na si Brooklyn Nets, 123-117.

Hindi umubra ang big three ng Nets na sina James Harden, Kevin Durant, at Kyrie Irving.

Noong una sa akala ng marami ay hindi maglalaro si Durant na nakalista sa reserve na unang nangyari sa kanyang career.

Pascal Siakam
Pascal Siakam

Pero biglang itong ipinasok at pagsapit ng third quarter ay hindi na pinalaro dahil sa umano’y NBA health and safety protocols.

Ito ang first game ni Durant laban sa Raptors mula noong 2019 sa NBA Finals nang matamo niya ang injury sa Achilles tendon.

Kabilang naman sa nalito sa biglang pagbabago sa paglalaro ni Durant na meron lang eight points ay si Joe Harris na may team high 19 points.

“For him to not start then play then he couldn’t play, just doesn’t make any sense,” ani Harris.

Samantala sa Toronto nagpakitang gilas si Pascal Siakam sa pamamagitan ng 11 rebounds, six assists at 33 points.

Sinuportahan naman ito nina Kyle Lowry na nagdagdag ng 30 points at seven assists, Norman Powell na nagtapos sa 18 points, Chris Boucher na merong 17 at si Fred VanVleet ay inalat na meron lamang 11 points, taliwas sa huling game niya na merong career-best na 54 points.

Sa ngayon may record ang Raptors na 10-12, habang ang Nets ay may kartada na 14-10.