Nick Nurse
-- Advertisements --

Pinatawan ng $50,000 na multa si Toronto Raptors head coach Nick Nurse.

Ito ay matapos ang pagtapon niya ng kaniyang face mask sa table ng mga scorers at pagsasalita ng mga masasama sa mga game officials.

Naganap ang insidente sa pagkatalo ng Raptors sa Utah Jazz nitong Sabado sa score na 115-112.

Sinabi ni Nurse na nahigitan nila ang Jazz subalit ayaw lang talaga ng mga opisyal na manalo sila.