-- Advertisements --

Nagpasok ng not guilty plea ang Rappler CEO na si Maria Ressa dahil sa kanyang kinahaharap na tax violation case.

Nagtungo mismo si Ressa sa Pasig Regional Trial Court Branch 157 para sa arraignment ng tax code violation case partikular ang paglabag daw nito sa Section 255 ng Tax Code. 

Ang kaso ay nag-ugat sa inihaing reklamo sa Department of Justice (DoJ) at noong November 2018 ay nakitaan ito ng probable cause para sampahan ng kaso si Ressa sa korte.

Ito ay matapos umanong mabigo si Ressa na magbigay ng tamang impormasyon sa kanyang Value Added Tax retun para sa ikalawang quarter noong 2015.

Si Ressa ay humaharap din sa apat na iba pang tax-related cases sa Court of Tax Appelas (CTA).

Kung maalala noong nakaraang buwan ay hinatulang guilty ng korte sa Maynila si Ressa dahil sa cyber libel na isinampa sa kanya ng negosyanteng si Wilfredo Keng.