Nelly
Nelly

Nagkaayos na ang rapper na si Nelly at ang babaeng nagsampa ng kaso sa kaniya ng pangmomolestiya.

Ayon sa kampo ng singer, na pumayag na ang hindi na pinangalanang babae na iatras na lamang ang kaso.

Hindi naman nito binanggit kung magkano ang ibinayad nila para maareglo ang kaso.

Magugunitang nagsampa ng kaso ang isang babae sa England.

Kuwento ng biktima nakilala nito ang rapper noong 2017 sa concert nito sa Essex, Englad.

Pinilit siya nitong mag-oral sex ng dalawa lamang sila sa kuwarto nito sa opisina.

Noong nakaraang taon din ay inareglo na rin nito ang isang reklamo laban sa kaniya.