Juice wrld
Juice wrld

Pumanaw na ang US rapper na si Juice Wrld sa edad 21.

Ayon sa Cook County Medical Examiner’s Office, bigla na lamang itong nag-seizure sa Midway airport sa Chicago.

Dinala pa sa kanilang pagamutan subalit hindi ito umabot ng buhay.

Ang rapper na si Jarad Anthony Higgins sa tunay na buhay ay nakilala sa viral 2018 hit song nito na Lucid Dreams.

Iniimbestigahan na ng mga kapulisan ang nasabing insidente.