Hindi pinayagang makapasok sa United Kingdom ang rapper na si Ja Rule.
Ang US rapper o Jeffrey Bruce Atkins Sr sa tunay na buhay ay may mga concert tour sa UK kung saan magsisimula ang concert nito sa Cardiff.
Kasama rin ang London, Birminghm, Nottingham, Leeds at Liverpool ang mga lugar kung saan ito magtatanghal.
Sinabi ng 47-anyos na singer na maaring ang kaniyang criminal record kaya hindi ito pinayagang makapasok sa UK.
Dagdag pa nito na hindi tama ang ginawa ng UK government dahil gumastos ito ng kalahating milyong dolyar na sariling pera para sa nasabing mga concerts.
Si Ja Rule ay pinalaya noong Mayo 2013 matapos na magsilbi ng dalawang taon sa kulungan dahil sa kasong gun possessions at tax evasion.
Ang UK ay ilan lamang sa mga bansa na nagbabawal sa mga indibidwal na makapasok kapag mayroong mga criminal records.
Ilan sa mga kanta na pinasikat ng singer ay ang “Always On Time”, “Thug Loving” at maraming iba pa.