Umaani ngayon ng batikos ang bagong kanta ng rapper na si Eminem.

Ang kanta kasi nitong “Unaccommodating” ay tumutukoy sa naganap na Manchester Arena bomb attack na ikinasawi ng 22 katao noong 2017.

Mapapakinggan kasi sa lyric ang tila naganap na bomba habang ginaganap ang concert ni Arian Grande.

Hindi lamang ito ang unang beses na ginamit ng 47-anyos na rapper ang nasabing pagbobomba dahil noong 2018 ay nag-rap ito ng tungkol sa brainwashed suicide bomber na suspek sa Manchester bombing.