Julian Assange
Julian Assange

Ibinasura na ng Swedish prosecutor ang rape allegations laban kay Wikileaks co-founder Julian Assange.

Ayon kay Deputy Director of Public Prosecution Eva-Marie Persson, na ang ebidensiya ay humina dahil na rin sa katagalan at ito ay kuwestiyonable.

Paglilinaw naman nito na mapagkakatiwalaan ang mga ebidensiya na isinumite sa kaniyang opisina.

Nauna ng pinabulaanan na ng 48-anyos na si Assange ang alegasyon na nangyari noon pang 2010 sa Stockholm.

Si Assange ay umiwas sa extradition sa Sweden sa loob ng pitong taon matapos na humingi ng refuge sa Ecuadorian embassy sa London noong 2012.

Nitong Abril 2019 ay hinatulan ang Australian na si Assange ng 50 linggo na makulong dahil sa paglabag sa bail conditions.

Kasalukuyan itong nakakulong sa Belmarsh prison sa London.