-- Advertisements --

Pinataob ng Rain or Shine ang NLEX 113-101 para makuha ang ikalawang sunod na panalo sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.

Nanguna sa panalo ng Rain or Shine si Demetrius Treadwell na nagtala ng 23 points habang mayroong 14 points ang naitala ni Beau Belga at tig-12 points naman sina Andrei Caracut at Rey Nambatac.

Nasayang naman ang ginawang 32 points ni Stokely Chaffee Jr para sa NLEX.

Mayroon ng dalawang panalo at limang talo ang Elasto Painters habang dalawang panalo at anim na talo Road Warriors.