-- Advertisements --

Tiniyak ni PBA Commissioner Willie Marcial na hindi pa aalis ang Rain or Shine Elasto Painters sa liga.

Kasunod ito ng lumabas na usapin na balak na ibenta ng koponan ang kaniyang prankisa.

Bukod pa aniya sa mga naririnig niyang pagkakawatak-watak o paghihiwalay na ng mga manlalaro nito.

Dagdag pa nito na personal niyang nakausap ang may-ari ng koponan na si Raymond Yu at pinasinungalingan ang mga lumabas na usapin.