-- Advertisements --

Ang problema sa signaling ng tren kaya nagkaroon ng malagim na trahedya ng magbanggaan ang tatlong tren sa India.

Ito ang nakitang dahilan ni railway minister Ashwini Vaishnaw sa nangyaring aksidente.

Hindi naman an binanggit nito kung sino ang nasa likod ng nasabing aksidente.

Sinabi naman ng Railway Board na nagkaroon lamang ng signaling interference sa halip na pagkapalpak nito.

Magugunitang nasa mahigit 300 katao na ang nasawi ng magkabanggaan ang tatlong tren sa India.