Nagbigay ng mensaheng “good luck” si Sen. Raffy Tulfo kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos ibasura ng Korte Suprema ang hiling nitong temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatupad ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Tulfo, nangangahulugan ang naging desisyon ng SC na maaari nang kumilos ang Executive Branch para ipatupad ang warrant laban kay Dela Rosa.
Sa botong 9-5-1, ibinasura ng Korte Suprema ang kahilingan ni Dela Rosa para sa agarang legal na proteksyon, bagama’t hindi pa nito tuluyang dinidinig ang pangunahing isyu sa kaso.
Samantala, sinabi ng Office of the Solicitor General (OSG) na maituturing umanong sinadyang pag-iwas sa pag-aresto ang pag-alis ni Dela Rosa sa Senado matapos ang tensyon at putukan noong Mayo 13. (Report by Bombo Jai)
















