-- Advertisements --
image 114

Muling bubuksan ngayong linggo ang Rafah land crossing papuntang Egypt ayon sa Gaza’s border authority.

Ang pagtawid sa pagitan ng Gaza at Sinai peninsula ng Egypt ay ang tanging daanan papasok sa strip na hindi kontrolado ng Israel, rason kung bakit mapanganib ito sa mga aid truck at libu-libong evacuees.

Matatandaan na ang paglikas mula sa Gaza strip papuntang Egypt kabilang ang Palestinians na nangangailangan ng agarang lunas ay sinuspende noong Biyernes.

Dagdag pa ng Egyptian sources, ang border ay nakatakdang mag-operate alas nuwebe ng umaga (local time) o bandang alas tres ng hapon naman (Philippine time) para sa mga dayuhan at medical evacuees.