Nakahanda na ang Japan sa pagpapakawala nila ng treated radioactive water mula sa Fukushima nuclear plant na tinamaan ng tsunami patungo sa Pacific Ocean.
Ang nasabing desisyon ay aprubado ng United Nationa watchdog.
Isasagawa ang nasabing pagpapakawala ng tubig sa Agosto 24.
Aabot sa 1.34 milyon toneladang tubig na tinatayang katumbas ng mahigit 500 Olympic-size na swimming pool.
Ang nasabing tubig ay mula sa planta ng tumama ang tsunami noong 2011.
Ayon kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida na mahalaga ang pagpapakawala ng tubig para maiproseso na ang decommissioning ng planta.
Ang nasabing planta na matatagpuan sa north-east ng Tokyo ay nasira ng tumama ang nasa magnitude 9 na lindol noong 2011.
Nalubog sa tubig ang tatlong reactor ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant.
Itinuturing na ang pangyayari bilang pinakamatinding nuclear disaster mula noong Chernobyl nuclear incident.