-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagtala ng dalawang panibagong nagpositibo sa COVID-19 ang lalawigan ng Quirino.

Dahil dito umakyat na sa 18 ang kanilang total confirmed case sa Quirino kung saan walo ang naka-recover at sampo ang active cases.

Ang unang kaso ay si CV3729, 18 anyos na lalaki at nakatira sa Barangay Bannawag Sur, Diffun, Quirino

Siya ay nagpakonsulta sa hospital dahil sa mataas na lagnat, isinailalim siya ng swab test at nagpositibo sa viruz

Siya ay naka-confine sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City,

Ang pangalawa ay si CV3761, 42 anyos na babae at residente ng San Antonio, Diffun,Quirino.

Siya ay sumailalim sa swab test dahil mandatory sa kanyang pagbalik sa duty bilang isang jail officer at lumabas na positibo sa virus.

Ang pasyente ay naka-quarantine sa Quirino Province Covid Ligtas Center.

Ang lahat ng close contacts ng dalawang pasyente ay isinailalim na ng swab test at sila ay sumasailalim sa strict home quarantine at mahigit na minomonitor ng mga kawani ng health offices.

Tuloy-tuloy naman ang pagsagawa ng containment strategies ng mga local officials, health workers at ng pamahalaang panlalawigan upang tiyakin na hindi kumalat ang virus sa komunidad.

Patuloy na pinapaalalahanan ang mga mamamayan na huwag pabayaan ang sarili, magsuot ng face mask at palagiang maghugas ng kamay.