CAUAYAN CITY- Nadagdagan ng isa ang positibong kaso COVID-19 sa Quirino na naitala ngayong araw.

Siya ay si CV8161, residente ng Poblacion Norte, Maddela, Quirino.

Si CV8161 ay dineklara na ng Provincial Health Office na fully recovered sa COVID-19 at wala nang sintomas ng virus.

Umabot na sa 76 ang total COVID-19 cases ng Quirino kung saan 43 ang recovered habang 33 ang active cases.

Muling nanawagan ang pamahalaang panlalawigan ng Quirino sa publiko na sundin pa rin ang mga ipinapatupad na mga health protocols tulad ng pagsuot ng facemask, pakikipag-social distancing at pagpapalakas ng resistansya.

-- Advertisement --