Humihingi ng tulong si Quezon Governor Damilo Suarezs sa Department of Health (DOH) at iba pang concerned agencies para mabigyan ang kaniyang probinsya ng dagdag na supply ng flu vaccines.
Sinabi ni Suarez na may nakatabi namang pondo ang provicial government ng Quezon para gamiting pambili ng mga gamot ngunit nahihirapan daw silang makahanap kung saan ito bibilhin.
Kapos na kapos na raw ang probinsya ng Quezon kung kaya’t nakikiusap ito kay DOH Secretary Francisco Duque III at iba pang ahensiya ng gobyerno na padalhan sila ng flu shot vaccine.
Bukod pa sa pandemic ay kasalukuyan ding hinaharap ng Quezon ang mga pinsala na iniwan ng Bagyong Quinta.
Ani Suarez, tinatayang aabot ng P488 miliion ang nasira ng bagyo sa kanilang agrikultura at imprastuktura.