-- Advertisements --
May mga nakalatag na mga plano ang Quezon City Government para sa nalalapit na ikalawanag State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa darating na Hulyo 24.
Sinabi ni Quezon City Traffic and Transport Management Department chief Dexter Cardenas, may tuloy-tuloy ang kanilang ugnayan sa Quezon City Police District para matiyak na maipapatupad ang seguridad sa mga dadalo ng SONA.
Ilan sa mga pinaghandaan nila ay ang pagbabantay sa mga magsasagawa ng kilos protesta.
Makikipagpulong din ang kaniyang grupo sa mga organizers ng iba’t-ibang rally para maging maayos ang pagsasagwa nila ng kilos protesta.