-- Advertisements --
bjmp ncr

Naghahanda na ang pamunuan ng Quezon City Jail Male Dormitory para sa paglahok ng mga preso sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataang Elections.

Ayon kay City Warden Jail Supt Michelle ng Bonto, inihahanda na ang mga pasilidad na pangunahing gagamitin ng mga presyo, kasama na ang seguridad na kanilang ipapatupad.

Mayroon na aniyang panuang pag-uusap sa pagitan ng Commission on Elections at ang liderato ng naturang kulungan upang matiyak ang kaayusan sa panahon ng botohan.

Batay sa mga naunang pag-uusap sa pagitan ng dalawa, maglalagay ng mga presinto sa loob mismo ng naturang pasilidad para hindi na kailangan pang lumabas ang bawat presyo na nais bomoto.

Sa kasalukuyan ay wala pang aktwal na bilang ng mga PDL na maaari o papayagang bomoto sa naturang halalan.

Maalalang una nang pumirma ng kasunduan ang COMELEC, Public Attorney’s Office at Bureau of Jail Management and Penology para sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga preso na maboto.

Para sa BSKE 2023, mayroong mahigit 63,000 na mga preso ang kwalipikadong bomoto sa ilalim ng batas.