-- Advertisements --

Umaabot pa lang sa 74,556 na mamamayan ng Quezon City ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Nasa 235,052 residente naman ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine base sa huling tala noong Linggo, ani Joseph Juico, co-chairman ng QC Task Force Vax to Normal.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na may darating na supply ng Sinovac vaccine sa Hunyo para sa mga naturukan na ng first dose nitong buwan.

Aniya, nakatanggap ang QC ng 110,000 Sinovac vaccines sa latest shipment na dumating sa bansa at 55,200 ang naibigay na bilang first dose.

Ilalaan ang 40,000 doses upang ipangdagdag sa first dose at ang 15,200 na natitira ay para sa second dose ng mga naturukan.