-- Advertisements --

Pumanaw na si Queen Elizabeth II sa edad 96.

Inanunsiyo ito ng Buckingham Palace matapos ang napaulat na paghina ng kaniyang kalusugan.

Nalagutan ito ng hininga sa Balmoral Castle sa Scotland matapos ang mahigpit na pagbabantay ng kaniyang doctor ng kalusugan nito.

Taong 1952 ng maupo sa trono si Queen Elizabeth II matapos mapiling pumalit sa namayapang ama nito na si King George VI.

Itinuturing na siya ang may pinakamatagal na namuno sa trono na umabot sa pitong dekada.

Dahil dito ay magiging hari na ng Britanya ang anak nito na si Prince Charles.

Noong nakaraang mga buwan kasi ay si Prince Charles na ang dumadalo sa ilang mga mahahalagang lakad ng ina dahil sa paghina ng kaniyang kalusugan.