-- Advertisements --

Pumayag na si Queen Elizabeth II na magkaroon ng transition period matapos ang sinasabing pag-alis nina Duke at Duchess of Sussex at magtutungo na sila sa Canada at United Kingdom.

Sinabi nito na suportado niya ang anumang desisyon ng mag-asawa.

Pero mas nais niya na gampanan nila ng buo ang kanilang mga ‘royal duties’.
Inaasahan nito ang pinal na desisyon sa mga susunod na araw.

Dagdag pa nito na maging ang buong Royal family ay suportado ang desisyon ng dalawa na bumuo ng bagong buhay bilang pamilya.

Magugunitang nagdesisyon sina Prince Harry at asawang si Meghan Markle na umalis sa royal duties at manatiling pribado para makatulong sa ibang bansa.