-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagsimula na sa pagsasagawa ng community service sina Iloilo City Lone District Representative Julienne ‘Jamjam’ Baronda at Bureau of Fire Protection (BFP) Region 6 Director Fire Senior Supt. Atty. Jerry Candido.
Ang mga ito ay dumalo sa mass gathering sa inauguration ng substation ng BFP sa lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Baronda, sinabi nito na namigay siya ng foodpacks sa mga medical frontliners nga assigned sa vaccination centers sa lungsod.
Samantala, nagsagawa naman ng coastal clean up si Atty. Candido sa Arevalo, Iloilo City.
Maliban dito, nagtayo rin ng community kitchen ang mga tauhan nito na lumabag rin sa protocol.