-- Advertisements --

Nakatakdang magpulong sa susunod na linggo ang Department of Health (DOH) at ang panel of experts nito para pag-aralan kung kailangan bang ilagay sa ilalim ng mas striktong quarantine protocols sa Agosto ang Pilipinas, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Magugunita na kamakailan lang ay hinigpitan ng mga awtoridad ang ilang mga polisiyang ipinatutupad dahil sa bilang ng mga Delta variant cases sa bansa ay pumalo na sa halos 70 katao, mula sa 19 lamang kamakailan.

Ang Delta variant ay sinasabing mas nakakahawa kumpara sa orihinal na strain ng COVID-19 dahil kaya ng carrier nito na makapanghawa ng hanggang walong katao.

Kaya naman ang National Capital Region pati na rin ang apat pang mga probinsya ay inilagay sa ilalim ng mas striktong general community quarantine (GCQ) dahil may mga Delta variant cases na naitala sa mga lugar na ito.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ang hakbang na ilagay ang mga lugar na ito sa ilalim ng GCQ na mayroong hightened restrictions ay nangangahulugan lamang na hindi na pinapayagan muna ang mga non-essential activities sa bansa.