Nagbabala si House Committee on Public Accounts Chairman Joseph Stephen Paduano Kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na ipakukulong siya sa Kamara dahil sa patuloy na pagsisinungaling.
Ito ay Sa kabila ng pagkakadetine sa PNP Custodial Facility sa Camp Crame ni Guo.
Sa pagharap ni Guo sa ikaanim na pagdinig ng House Quad Committee ngayong araw, tinanong ni Manila Sixth District Representative Bienvenido Abante Jr. si Guo kung kaibigan niya ang running mate noong eleksyon na si Vice Mayor Leonardo Anunciacion.
Kinumpirma ni Anunciacion na nagkakilala sila taong 2001 noong alkalde pa ito ng Bamban kung saan nagtungo umano si Guo sa kanyang opisina para mag-apply ng permit.
Nang maging mayor si Guo ay nag-endorso aniya ito ng Philippine Offshore Gaming Operator o POGO sa Sangguniang Bayan upang mapagkalooban ng lisensya ng PAGCOR.
Itinanggi ito ni Guo kaya inusisa siya ni Abante kung nagsisinungaling si Anunciacion na siyang presiding officer ng Konseho.
Paulit-ulit na sumagot si Guo na hindi siya nag-endorso ng POGO at hindi direktang tumugon sa tanong kaya dito na sumingit si Paduano at nagbabala na ipapa-cite-in-contempt ang dating local chief executive.
Bukod dito, inungkat ni Abante ang educational background ni Guo dahil sa husay umano nito na magsinungaling.
Sabi naman ni Guo, kailanman ay hindi siya nagsinungaling maliban sa ilang pagkakataon noong bata siya sa pamamagitan ng “white lies”.