-- Advertisements --

Siniguro ngayon ng Quezon City government na suportado nila ang mga organizers ng community pantries sa Quezon City sa gitna na rin ng umano’y red-tagging mula sa mga government security officials.
Sa statement na inilabas ni Belmonte, sinabi nitong poprotektahan ng local government ang mga organizers maging ang mga beneficiaries ng mga community pantries.

Sinabi ni Belmonte na hinilng na niya kay Quezon City Police District director Police Brigadier General Antonio Yarra na agad magsagawa ng imbestigasyon sa naturang hakbang ng security officials.

Makikpagpulong din umano si Belmonte sa Station 9 Commander na si Police Lieutenant Colonel Imelda Reyes para pag0usapan ang security concern ng mga organizers ng community panties.

Dahil dito, wala umanong makakaharang sa nasimulan na ng mga community pantries sa lungsod na dinadayo ngayon ng mga residenteng apektado ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kung maalala, kanina ay hindi nagbukas ang community pantry sa Quezon City para sa seguridad ng mga volunteers dahil na rin sa sinasabing red-tagging mula sa pamahalaan.

Sa ngayon, inaalalayan na raw ng Task Force Disiplina at barangay leaders ang pagmintina ng peace and order sa Maginhawa Community Pantry.

Una rito, todo panawagan na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga organizers ng community pantries na dapat ay kumuha muna sila ng permit sa local government untis (LGUs) bago sila magtayo ng mga ito.

Depensa ni DILG Undersecretary Martin Diño, noong una kasi ay paisa-isa lamang ang mga pantries maging ang mga nagtutungo doon pero ngayon ay naglipana na raw ang mga community pantries.

Dahil dito, kailangan daw nilang makipag-ugnayan sa mga LGUs para panatilihin ang mga health protocols lalo na’t nasa gitna pa rin ang bansa sa panganib ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bagamat pinuri ng undersecretary ang efforts ng mga organizers ng community pantries, sinabi ni Diño na dapat pa ring may guidance dito ang mga barangay at local governments.

Sa isyu naman ng red tagging sa mga organizers ng community pantries, sinabi ni Dino na ang concern lang talaga ay ang bigong pagsunod sa social distancing ng mga residenteng nagtutungo sa lugar.