-- Advertisements --

evac6

Ipinatutupad na ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang pre-emptive evacuation sa ilang pamilya mula sa tatlong barangays sa siyudad dahil sa pagtaas ng lebel tubig ng baha na dulot ng bagyong Jolina.

Sa datos ng QCDRRMC, walong pamilya o nasa 33 indibidwal ang inilikas sa Barangay Roxas at kasalukuyang nananatili sa Gen. Roxas Elementary School; Barangay Bagong Silangan nasa dalawang pamilya na binubuo ng pitong indibidwal at sa Barangay Tatalon, na amy dalawang pamilya na nasa walong indibidwal.

Patuloy namang nakaantabay ang rescue teams ng lungsod sakaling kailanganin ang agarang evacuation.

Itinaas na rin ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council at ng 142 Barangay DRRMC ang Red Alert status kung saan magpapatupad ng forced evacuation sa mga piling lugar na malapit sa slope o bahain na lugar.

Pinaalalahanan ng pamahalaang lokal ang mga QCitizens na maghanda at mag-ingat lalo na ang mga nakatira sa landslide prone at low-lying areas, at mga malapit sa sapa o ilog.