-- Advertisements --

Naglabas ng warrant of arrest ang korte sa Quezon City laban sa beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Ang kaso ay may kinalaman sa kasong libel na isinampa ng actress na si Bea Alonzo.

Nakasaad sa inilabas na warrant of arrest ng Quezon City Regional Trial Court na mayroong piyansa na tig-P48,000 kay Fermin at dalawang kasamahan nitong kinasuhans na sina Rommel Villamor at Wendell Alvarez.

Taong 2024 ng magsampa ang actress ng tatlong magkakahiwalay na criminal complaints ng cyber libel laban kay Fermin at kapwa columnist nito na sina Ogie Diaz sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Sinabi ng abogado ng actress na si Atty. Joey Garcia, na gumawa lamang ng hakbang ang actess dahil sa mapanirang komento.