-- Advertisements --

Tatanggalin na ng gobyerno ng Qatar ang pre-arrival COVID-19 tests para sa mga manonood ng FIFA World Cup na magsisimula sa Nobyembre 20.

Ayon sa health ministry ng Qatar, na hindi na hahanapan ng negative COVID-19 PCR o Rapid Antigen Test results bago sila magtungo sa Qatar.

Magsisimula ang nasabing pagluwag sa Nobyembre 1.

Una nilang inanunsiyo na hindi na mandatory ang COVID-19 vaccinations sa mga fans.

Base sa panuntunan nila na ang mga mamamayan ng Qatar at residente ay hindi na rin sasailalim sa PCR o rapid antigen test sa loob ng 24 na oras pagdating nila galing sa ibang bansa.

Paglilinaw pa rin nila na kailangan pa rin na makakuha ng Hayya card ang mga bibisita na siyang mandatory documents para sa mga ticket holders.