-- Advertisements --
Tinanggalan ng honorary taekwondo black belt si Russian President Vladimir Putin dahil sa pakikipag-giyera nito sa Ukraine.
Ayon sa World Taekwondo, na hindi naayon ang ginawa ni Putin sa motto ng nila na ” Peace is More Precious than Triumph”.
Nilabag aniya ng Russia ang sport’s values of respect and tolerance.
Dahil aniya dito ay nagdesisyon sila na tanggalin ang honorary 9th dan black belt kay Putin na kanilang iginawad noong Nobyeembre 2013.
Sasama na rin sila sa International Olympic Committee sa pagbabawal sa bandila at pagtugtog ng national anthem ng Russia sa kanilang mga events.
Magugunitang sinuspendi ng International Judo Federationa si Putin bilang honorary president at ambassador.