Sinubukan ni Russian President Vladimir Putin ang experimental COVID-19 nasal vaccine kahit na wala pa ito sa clinical trial phase.
Ito na aniya ang pang-apat na vaccination laban sa virus ng Russian president.
Noong nakaraang linggo kasi ay tinurukan siya ng Russian-made na Sputnik Light booster matapos ang anim na buwan ng makatanggap siya ng ikalawang dose ng Sputnik V.
Sinabi ni Putin na boluntaryo siyang nakibahagi sa pagsubok ng intranasal vaccine na gawa ng Gamaleya Center ang may gawa ng Sputnik V.
Dagdag pa nito na wala siyang naramdaman na kahit ano matapos subukan ang nasabing intranasal vaccine.
Nauna ng inaprubahan noong Oktubre ng Russian Ministry of Health ang clinical trials ng nasal spray mula sa Sputnik V vaccine na gawa rin ng Gamaleya.
Ayon naman kay deputy director ng Gamaleya na si Denis Logunov na ginawa ang nasabing intranasal vaccine para sa karagdagan proteksyon laban sa virus.