Nagbabala si Russian President Vladimir Putin ng mas maraming mga missile strike sa Ukraine bilang pagganti sa ginawang pagpapasabog ng kanilang tulay sa Crimea.
Iginiit kasi ni Putin na ang maliwanag na ang Ukraine ang nasa likod ng pagpapasabog ng nasabing tulay na nagdurugtong sa Russia at Crimea.
Magugunitang umabot na sa 14 katao ang nasawi sa ginawang malawakang missile strike ng Russia sa Kiyv kung saan maraming gusali ang nasira at aabot sa 100 katao ang sugatan.
Ilan sa mga nasira ay 45 residential buildings, 3 paaralan at limang pagamutan.
Mariing kinondina naman ng iba’t-ibang bansa ang ginawang ito ng Russia at tiniyak nila ang tulong na ibibigay sa Ukraine.
Nanguna dito ang US kung saan sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na hindi mapuputol ang tulong militar na ibibigay nila sa Ukraine.