-- Advertisements --
Nagbabala si Russian President Vladimir Putin na tumitindi ang posibilidad ng pagkakaroon ng nuclear war.
Ayon pa dito na hindi pa sila gaanong galit at hindi sila ang unang gagamit ng nasabing mga armas.
Sa kaniyang talumpati sa taunang human rights council sa Russia, sinabi nito na magiging matagal pa bago tuluyang matapos ang laban nila ng Ukraine.
Nauna ng ipinagmalaki ni Putin na mayroong taglay ang Russia ng mga kabagong armas nuclear na kayang tapatan ang anumang bansa.