Suportado ni Russian President Vladimir Putin ang ceasefire deal na isinusulong ng US para wakasan na ang giyera sa pagitan nila ng Ukraine.
Ayon sa Russian President na ito ay maaring magig paraan para sa pagsasapinal ng peace settlement.
Una rito ay sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na binigyan siya ni US President Donald Trump ng hanggang Huwebes sa susunod na linggo para pagdesisyunan na tanggapin ang ceasefire plan.
Dagdag pa nito na isang hamon ngayon ang kinakaharap niya dahil maaring mawala sila ng kaalyado ang US o ang kanilang dignidad.
Tuloy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan ni Zelensky sa mga opisyal ng White House ukol sa pagsusulong ng ceasefire deal.
Dagdag pa nito na kasama sa 28-point peace plan ng US ay pagpapasakamay ng Ukraine sa ilang teritoryo nila sa Russia at ang pagbawi na makasama sila sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).
















