-- Advertisements --
Dumating na sa Kyrgyzstan si Russian President Vladimir Putin.
Ito ang madalang pagbiyahe ni Putin sa ibang bansa matapos na kasuhan ng war crimes ng International Criminal Court dahil sa paglusob sa Ukraine.
Nakatakda rin itong makipagpulong kay Kyrgyz President Sadyr Zhaparov.
Naging host kasi ang Kyrgyztan sa Commonwealth of Independent States summit.
Dadalo sa nasabing summit ang mga lider ng Azerbaijan, Belarus, Kazakhstan, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan.