-- Advertisements --

Ibinunyag ng Russia na personal na nakapulong ni President Vladimir Putin si mercenary leader Yevgeny Prigozhin ilang araw matapos ang bigong pag-aklas ng Wager group noong nakaraang buwan.

Sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na pinulong ni Putin ang 35 Wagner commander kung saan nagbigay ng assesement si Putin sa ginagawa nilang paglusob sa Ukraine.

Nakasaad din sa kasunduan ay ang tuluyan ng pagtatapos ng pag-aklas at ang hindi pagsampa ng kaso laban sa Wagner group.

Magugunitang naglunsad ng isang araw na pag-aklas ang Wagner mercenary group kung saan inakusahan nito ang gobyerno sa hindi pagsuplay sa kanila ng bala habang nakikipaglaban sa Ukraine.