-- Advertisements --
Sinimulan na ngayong araw ng NBA ang pinag-ibayo na COVID testing sa mga players.
Gagawin ito sa loob ng dalawang linggo dahil sa holiday season celebrations kasama na ang new year.
May pangamba kasi na baka sa panahong ito ay lalong magkaroon ng hawaan.
Maging ang mga staff ng mga teams ay sasailalim din sa regular tests.
Ang mga hindi pa nakakuha ng booster shots ay kailangang maturukan na rin sa loob ng 14 na araw.
Batay sa patakaran ng liga ang mga players na sumailalim sa health at safety protocols ay kailangang magpakita ng dalawang negative PCR tests sa loob ng 24 oras o kung hindi man ay dapat mag-isolate ng 10 araw.
Una nang napaulat na halos 100 mga players na nitong season ang inilagay sa quarantine bunsod ng COVID-19 outbreak.