-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Bumaba na ang bilang ng mga Person Under Monitoring (PUMs) sa probinsya ng Cotabato.
Ito mismo ang kinomperma ni Cotabato Governor Nancy Catamco, noong nakalipas na araw mayroong 88 PUMs at ngayon ay bumaba sa 66.
Sa isang pahayag sa kanyang social media account, sinabi ni Catamco, sa nabanggit na ulat mula sa Integrated Provincial Health Office (IPHO Cotabato) na umaabot sa 1,972 ay na-clear bilang PUM sa probinsya.
Umaabot naman sa Apatnapu’t pito (47) ang nananatiling Persons Under Investigation (PUI) kasama ang isang pasyante sa pagamutan.
Ang ulat ng IPHO ay nagpakita na 34 na mga PUI ang na-clear sa loob ng 15 araw.
Nilinaw ng Gobernadora na Mahalaga ang impormasyong ito at mangyaring ibahagi sa lahat.