-- Advertisements --

Iginiit ni Chief Tim Gannon, hepe ng Minnesota police, na aksidente lang ang nangyaring pagbaril ng isang pulis sa 20-anyos na Black-American sa Brooklyn Center.

Binaril si Daunte Wright ng isang pulis na nagkamali raw ng hugot dahil imbes na baril ang kaniyang kunin ay taser ang kaniyang nagamit.

Dahil sa pagkamatay ni Wright ay nagbunsod ito sa malawakang kilos protesta at overnight curfew sa nasabing estado.

Ang tensyon na nararanasan sa Minneapolis ay nararamdaman din sa isinagawang pagdinig sa dating pulis na si Derek Chauvin na inaakusahang pumatay sa isa pang Black-American na si George Floyd noong nakaraang taon.

Magugunita na pinatabi ng pulis sa gilid ng kalsada ang sasakyan kung saan sakay si Wrigth dahil daw sa traffic violation saka na lang biglang nagkainitan noong sinubukan nitong bumalik sa loob ng kaniyang kotse.

Sa naging news conference, ipinakita ni Chief Gannon ang maikling video na kuha mula sa body camera na suot ng isang pulis na nagpapakitang nagtangka ang biktima na bumalik sa kaniyang kotse habang sinusubukan ng mga pulis na lagyan ng posas ang magkabilanbg kamay nito.

Maririnig ang isa sa mga pulis na sinasambit ang salitang “taser”, ito ay normal na procedure ng mga pulis bago paputukan ng stun guns ang kanilang nahuhuli.

NARITO PA ANG BAHAGI NG PALIWANAG NI Chief Tim Gannon, hepe ng Minnesota police

Nagsalita rin sa parehong news conference si Brooklyn Center Mayor Mike Elliot kung saan tiniyak nito na gagawin ng alkalde ang kaniyang makakaya upang tiyakin na makakamit ng naiwang pamilya ni Wright ang hustisya.

PAKINGGAN NAMAN NATIN ANG TINIG NI Brooklyn Center Mayor Mike Elliot